Thursday, August 31, 2017

Pres. Rodrigo Duterte is like King Nebuchadnezzar of Babylon

Kung isa ka sa mga nagbabasa ng Bibliya, malamang alam mo ang tungkol kay Nebuchadnezzar ang hari ng Babylon na nagparusa kay King Zedekiah of Judah dahil hindi sya nakinig kay Jeremiah na ginamit ng Diyos para balaan na sumuko na ito at wag ng makipaglaban pa para walang masaktan sa kanyang nasasakupan pero nagmatigas pa rin.

Bago nangyari ang pananakop ni Nebuchadnezzar sa Israel, nagpadala na ang Diyos ng isang propeta sa katauhan ni Jeremiah para magbabala sa mangyayari in the future. Ang propeta ang bunganga ng Diyos dito sa lupa na nakakaalam ng mangyayari sa hinaharap dahil nakakausap nya ang Diyos pero pinaniwalaan ba ang propeta? Hindi! ang iba ay nilait, pinagtawanan at pinapatay pa.

Kaya nga dahil sa ayaw sumunod ni King Zedekiah at nagrebelde pa ito sa King of Babylon ay nagalit si Nebuchadnezzar. Ang akala ni King Zedekiah ay tutulungan sila ng Egypt pero walang dumating na tulong. At nangyari nga iyong sinabi ni Jeremiah sa kanya

Hinuli si King Zedekiah dahil matigas ang ulo at hindi nakinig at sa kanyang harap mismo ay pinatay ang kanyang mga anak pati mga official ng Judah. At ang ginawa naman kay Zedekiah ay kinuha ang kanyang mga mata at ginawang priso hanggang sa mamatay. [Source]

Sa War on Drugs ni President Duterte, lagi nyang sinasabi na tumigil na ang mga drug ushers, pushers pati mga drug protector na mga politician sa illegal drug trades dahil kapag hindi sila sumunod sa batas ay may kalalagyan sila. Ito ang paulit-ulit na sinasabi ni President Duterte lalo na sa mga narco-politicians sa Pilipinas.

Same with King Nebuchadnezzar pagsinabi nyang wag ka ng lumaban, wag ka ng lumaban at wag kang mag aklas pa dahil may kalalagyan ka. Ganyan din si President Duterte, pagsinabi nyang tumigil ka na sa paggawa ng mali corruption at illegal drug trade ay tumigil ka na kasi mapaparusahan ka.

Kaya I do believed the ginagamit din ng Diyos si President Duterte para matigil na ang mga kawalanghiyaan ng mga narco-politician sa bansa na nagpalawak ng kalakaran ng illegal na druga at pagnanakaw sa kaban ng bayan.


EmoticonEmoticon