Friday, August 19, 2022
Ang Revelation at Katotohanan ng Plaza Miranda noong 1971
Congress nagsimula na ang investigasyon sa merger ng TV5 at ABS-CBN
Santiago City, Isabela – Matapos ipahayag ni Rep. Rodante Marcoleta ang kanyang layunin na imbestigahan ang pagsasanib ng TV5 – ABS-CBN, sinimulan na ng mga miyembro ng House of Representatives na imbestigahan ang umano'y dayuhang pagmamay-ari ng Kapatid network.
Naghain si Rep. Jose Teves Jr ng HR 282, na nag-uutos sa legislative franchises committee na imbestigahan ang mga plano ng ABS-CBN na i-broadcast ang mga programa nito sa TV5.
Samantala, naghain sina Rep. David Suarez at Rep. Wilter Palma ng Resolution Nos. 281 at 280, na humihiling sa legal franchises committee na imbestigahan ang umano'y dayuhang pagmamay-ari ng ABC Dev’t Corp, na mas kilala bilang TV5 Network Inc.
Ang magkahiwalay na mga resolusyong ito ay inilabas kasunod ng pagtutol ni Rep. Marcoleta sa landmark deal sa pagitan ng Kapamilya at Kapatid networks, na binanggit na mayroon itong mga paglabag sa prangkisa batay sa Rep Act No.2945.
Sinabi rin ni Marcoleta na ang kasunduan ng mga higanteng media ay naglalayong maiwasan ang kamakailang pagbawi ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020.
Tuesday, August 15, 2017
Liberal Party Nasaktan sa Pagbagsak ni Angry Bird - Andy Bautista
Ayon sa isang source, nasaktan ang Liberal Party sa problemang kinasasangkutan ngayon ni Comelec Chairman Andres Bautista. Itinuturing kasing isang matatag na kasapi nito si Bautista. Minsan na ring nagsilbi diumano si Bautista bilang campaign manager ni Mar Roxas noong tumakbo ito bilang senador.
Noong araw na pumutok ang isyu ng nakaw na yaman ni Bautista, agad naapektuhan ang kampo ni Robredo. Naglunsad agad ng opensiba si Macalintal sa media upang pilit ilayo ang isyu ng nakaw na yaman sa integridad ng halalan at dayaan.
Kung nasaktan ang Liberal Party, ibig sabihin, malaki ang tiwala at pag-asa ng partido na makakatulong si Bautista upang makabalik ito sa pwesto at kapangyarihan. Ngayong lumalaki na ang posibilidad na matanggal si Bautista, mawawalan sila ng haligi sa Comelec. Dito sila nasaktan.
Kung matatag na haligi si Bautista ng Liberal Party, delikado ang ating pangulo at ang kanyang partido sa kamay ng Comelec na hawak ng Liberal Party. Kung nagawa nilang dayain si BBM noong 2016, pwede rin nilang dayain ang mga kapartido ng pangulo sa 2019 upang makuha nila ang mayoriya ng Kamara at gagamitin ito laban sa pangulo. Kaya kung matanggal si Bautista, masasaktan talaga sila.
Sa kabilang dako naman, sumali na rin ang Bureau of Internal Revenue sa pag-imbestiga kay Bautista. Apat na ahensya na ng gobyerno ang sabay-sabay na mag-imbestiga sa kanya. Kung mag-imbestiga rin ang Ombudsman ayon sa reklamo ni Atty. Oliver Lozano, pang-lima na ito.
Ayon kay Presidential legal counsel Salvador Panelo, magbibitiw si Bautista kung ma-impeached siya sa Mababang Kapulungan. Hindi raw ito sasailalim sa impeachment at negative public scrutiny na makakaapekto sa kanyang pamilya.
Ayon naman kay dating Negros Oriental Congressman Jacinto Paras, maghahain siya ng impeachment complaint ngayong linggo laban kay Bautista. Sa aking pagkakaalam, may dalawa pang grupo na maghahain din ng magkahiwalay na impeachment complaints.
“Kapag nakapag-file ng impeachment complaint at ito ay parang may basehan, baka doon pa lamang i-consider, para sa akin, doon pa lang i-consider na ni Chairman Andy Bautista [na bumitiw],” pahayag ni Congressman Sherwin Tugna, chairman ng Electoral Reforms Committee ng Kamara.
Source: Facebook
Saturday, July 29, 2017
Isang Paring Katoliko Arestado sa Pang-aabuso ng Minor de Edad
Timbog sa isang entrampment operation ng Marikina PNP at ng DSWD ang isang paring katoliko dahil sa pagtangkang pag aabuso sa isang 13 anyos na dalagita.
Arestado si Msgr. Arnel Fuentes Lagarejos, 55, na nakatalaga sa Marikina at lalawigan ng Rizal at nahuli sa isang entrapment operation ng pulisya at Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos itong mahuli na papasok sa isang motel.
Base sa information, isang bading na bugaw na minor de edad din ang nagpabook sa isang 13 anyos na dalagita kay father Lagarejos sa pamamagitan ng social media. At nikapagkasundo daw ang pari at bugaw at dalagita sa isang motel sa sumulong highway sa marikina city.
Para sa buong detalye panoorin ang video
Shark Jumped on Someone's boat, What happen Next is...
Sharks are a group of elasmobranch fish characterized by a cartilaginous skeleton, five to seven gill slits on the sides of the head, and pectoral fins that are not fused to the head.
But what would you do if you are in the middle of the ocean to relax away from stress in the mainland to clear your mind from 1 week's busy schedule and suddenly a shark jumped in your boat? Would you jump from your boat?
Here is the viral video of a shark jumped on someone's boat and got trapped. The footage is like something from a horror film and if it happened to you, your going to be horrified for sure.



