Wednesday, November 29, 2017

Punta ka ng POEA kapag Niloko ka ng Recruitment Agency Mo para Mabawi ang Pera mo

After the training seminar ng asawa ko sa Sta. Ana Cagayan Valley sa mga K-12 Teacher, meron kaming napagkwentohan ng asawa ko tungkol sa kung ikaw ay naloko ng isang recruitment agency para magtrabaho abroad at nakapagbayad ka ng malaking pera ay pwede mo pa pala mahabol at maibalik sayo ang perang nawala sayo.

Pero there are some important matters bago mo mahabol ang perang nawala sayo ng dahil sa panloloko ng recruitment agency sayo. Una ay dapat ang Agency na pinag-applyan mo ay Registered sa POEA or may licensed ng POEA. Kasi kapag wala silang lincense sa POEA, hindi mo na mahahabol talaga ang pera mo.

According to the Department of Labor and Employment - DOLE Director ng Cagayan Valley, ang mga recruitment agency daw ay nagdedeposit sa POEA ng around P200,000.00 monthly ang pinakamababa parang collateral ito just incase meron ngang mangyari na mga hindi maganda sa mga nag-apply sa kanila at this point ay pwede pa nila mabawi ang perang pinambayad sa kanila. Kasi POEA mismo ang magbabayad sayo sa perang nakadeposit sa kanila ng agency na nawala sayo.

Ngayon ko lang nalaman na meron palang ganito and to be honest ngayon ko lang narinig ito. Kaya malaking bagay ito sa mga naloko ng mga recruitment agency at nakunan ng malaking halaga para lang makapag trabaho abroad. So kung isa ka sa mga naloko ng ilang mga recruitment agency, punta ka lang daw ng POEA at sabihin mo ang nangyari sayong hindi maganda na ginawa ng isang recruitment agency.

You can also verify this to POEA since galing ito mismo sa bibig ng isang DOLE Director


EmoticonEmoticon