Friday, October 14, 2022

Fake na LET Examinee sa Pagadian City, Hinuli ng NBI

Nahuli ang isang babaeng magtatangka sanang kumuha ng board exam para sa mga guro, sa Pagadian City noong Oktubre 2, 2022. Ayon sa awtoridad, nakababatang kapatid niya ang rehistradong examinee pero nakiusap umano itong siya ang kumuha ng exam.

Inaresto ng National Bureau of Investigation ang isang babae matapos madiskubreng hindi siya ang nakarehistro para kumuha ng Licensure Examination for Professional Teachers sa Pagadian City.

Ayon sa ulat ng NBI, inaresto si Monaida Dimakaling noong Okt. 2 matapos mapansin ng proctor na magkaiba ang itsura ni Monaida at ng babaeng nasa larawang kakabit ng Permanent Examination and Registration Record Card (PERRC) at Notice of Admission (NOA) na nakapangalan sa isang Nazia Dimakaling.

Habang iniimbestigahan ang insidenteng nangyari sa Pagadian National High School Danlugan Campus, umamin umano itong si Monaida na hindi siya ang dapat na kukuha ng exam kundi ang kaniyang nakababatang kapatid na si Nazia.

Inamin umano ni Monaida na sinabihan siya ng kapatid na siya ang kumuha ng exam bilang kapalit or substitute nito. Nakuha mula kay Monaida ang ilang mga ID card na lahat ay nakapangalan kay Nazia. Kinasuhan si Monaida ng falsification of official document alinsunod sa Article 172 ng Revised Penal Code.

Kinasuhan na rin si Nazia na sa kasalukuyan ay hindi pa nahuhuli.

Source: https://news.abs-cbn.com/classified-odd/10/13/22/pekeng-let-examinee-sa-pagadian-timbog-ng-nbi

This Is The Newest Post


EmoticonEmoticon