Ang tunay na halaga ng dengue vaccine ay P9.20 per dose. Ang bili ng Aquino administration sa Dengvaxia ay P1,000.00 per dose. Kayo na ang bahalang magkuwenta kung magkano ang kinita o overprice o nalugi ng taong bayan. Ito at maliban pa sa panganib sa buhay ng halos isang milyong kabataan.
Ang sakit na Dengue, ayon sa mga dalubahasa ay sakit na wala pang tiyak na lunas. Apat ang sinasabing strain nito at sa ilang daan kaso, it was proven fatal. Sa madaling salita, nakamamatay ito. Sa limang anak ko, isa lamang ang tinamaan ng Dengue. Tanda ko second year high school siya noon at talagang ikot ang tumbong ko sa pagkabahala. Sa awa at tulong ng Panginoon, nakaligtas naman siya sa kapahamakan. Nakatapos ng pag-aaral, cum lause-valedictorian. Isa na siyang accountant-lawyer ngayon.
Ang isang apo ng kapatid ko ay tinamaan din ng dengue. Nadala sa ospital at nasalinan ng blood platelet. Pero mismong duktor niya ang nagpayo na madaling gumaling ang pasyente kung paiinumin ito ng tawa-tawa, isang uri ng damo na marami naman sa aming nayon, at pakainin ng durian. Mabilis ang paggaling niya at isa na siyang nurse ngayon.
Noong school year 2015-2016, pinalaganap ng Department of Health ang pagbakuna ng bagong gamot, isang bakuna laban daw sa Dengue. Ito ang Dengvaxia. Magugunitang mismong sina Pangulong Aquino at Kalihim Garin ang nanguna sa paglulunsad ng pagbakuna sa mahigit na 700,000 mga batang estudyante.
As parents, we were adamant to have our grade school pupils administered the vaccine. Bakit ka nyo? Dahil sa umpisa pa lang may mga kilalang duktor na ang nagsasabing hindi pa subok ang naturang bakuna at malubha ang magiging epekto nito kung saka-sakaling magka-dengue ang isang bata.
Ganoon pa man, ituloy ng gobyerno ang pagbili ng halos apat (P4billion) na bilyong pisong halaga ng bakuna at isinagawa nga ang vaccination program to some 700,000 young Filipinos sa gitna ng mga babala at pagtutol ng mga dalubhasa.
Nitong ngang November 29, 2017, lumabas ang ulat, batay sa pag-aaral at pananaliksik na bagamat may maganda (?) raw epekto ito sa mga nagkaroon na ng dengue, pero higit na delikado naman para sa mga hindi pa tinatamaan ng dengue.
In other words, the vaccine which is intended to protect the would be victim of dengue are now more incline to suffer severe consequences, if they were administered with Dengvaxia. Balintuna po ito. Imbes makatulong, maari pa itong humantong sa maagang kamatayan.
Ang sabi mismo ng Sanofil, ang may gawa ng Dengvaxia, kailangang magsagawa ng blood testing and analysis sa lahat ng naturukan ng nasabing gamot. Dios na mahabagin, ang mahal po ng prosesong ito para sa isang ordinaryong pamilya.
Problemang ipinamana ng nagdaang administrasyon, kailangan ngayong pasanin ng kasalukuyang gobyerno. Bilyones po ang kailangan para maisagawa ang monitoring at blood testing and chemistry ng halos isang milyong kabataan na nabigyan ng bakunang Dengvaxia. These children are now in great danger.
Saang utak sa talampakan ang ginamit ng Aquino administration to make the almost a million young kids guinea pigs, short of killing them softly at the minimum or slaughtering them at the maximum. Sa totoo lang, hindi ko maaruk ang logic o katuturan ng ginawang pagtapalasan sa susunod na saling-lahi ng Pilipinas.
Simula ng pumutok ang balitang ito, hindi ako mapakali at mapagkatulog, dalawang anak ko na nasa grade school ang posibleng nabakunahan ng Dengvaxia. Now we have to do what is best best advise by medical experts.
Kami maaring makayanan naming ang gastusin, pero papaano iyong iba na financially challenged o salat sa panggastos at kaalaman. Kawawa na, kinawawa pa. Makalolooy uyamot intawon sila.
Source: Facebook
EmoticonEmoticon