SADYANG MAPANLINLANG ANG KAMPO NI ROBREDO dahil Ipinalabas ng kampo ni Robredo na hindi pinayagan ang hiling ni BBM na magkaroon ng technical examination sa 2,756 presinto sa Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan kung saan pinapawalang-bisa ang resulta ng halalan dahil sa malawakang dayaan sa mga lugar na ito.
Ang technical examination ng Election Day Computerized Voters List (EDCVL) at Voters Registration Record (VRR) ay isang paraan upang mapatunayan ang dayaan. Kung natandaan ninyo, noong kayo ay bumoto, lumagda kayo sa EDCVL sa kanang bahagi ng pahina bago ibigay sa inyo ang inyong balota. Ang lagdang ito ay dapat maikumpara sa lagda ng botante na nakarekord sa VRR. Kung magkapareho ang dalawang lagda, totoong botante ang bumoto. Kung hindi magkapareho ang dalawang lagda, hindi totoong botante ang bumoto sa araw ng halalan.
Ang hiling na ito ni BBM sa PET ay mariing hinarang ng kampo ni Robredo. Takot si Robredo na mabuking na hindi magkapareho ang mga lagda ng mga botante sa EDCVL at VRR dahil nga walang totoong halalang naganap sa karamihan sa mga presinto sa mga lugar na ito. Takot si Robredo na mapawalang-bisa ang resulta ng halalan sa mga lugar na ito dahil tiyak talo na agad siya ng mahigit-kumulang 45,000 boto. Mukhang guilty talaga!
HINDI TOTOO NA HINDI PINAYAGAN ng PET ang hiling na ito ni BBM. Fake news ang ipinalabas ng kampo ni Robredo. Sinabi lamang ng PET na ipagpaliban muna ang technical examination sa ngayon dahil uunahin muna ang manual recount sa 3 pilot provinces – Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Sadyang mapanlinlang lang talaga ang kampo ni Robredo. Ang isang pawang katotohanan na hindi ipinalabas ng kampo ni Robredo dahil sila ay dehado ay ang pinal na pagbasura ng PET ng petition-in-intervention ng mga taga-suporta ni Robredo na gustong sumali sa protesta at magbayad para sa kanya. Ayon sa PET, wala silang legal na interes sa protesta at hindi naman sila maapektuhan sa desisyon nito.
Source: Facebook
EmoticonEmoticon