Showing posts with label Updates. Show all posts
Showing posts with label Updates. Show all posts

Monday, May 25, 2015

Mariel Rodriguez, bagong co-host ni Willie Revillame sa Wowowin?

Inihayag naman ni Mariel na masaya para sa pagbabalik sa telebisyon ni Willie Revillame na mapapanood sa GMA-7 sa programa nitong Wowowin.

Masaya raw si Mariel na muling magbabalik-telebisyon si Willie.

Saad nito, “I’m very happy for Kuya, sa totoo lang, kasi gusto lang talaga magpasaya ng tao nun.

“Masaya ako para sa kanya.”

Kasama si Mariel sa mga dating television show ni Willie kaya may mga nag-akala na baka kasama uli siya sa Wowowin.

Hindi raw alam ni Mariel kung papaano nagsimula ang mga pag-aakala na magiging co-host muli siya ni Willie.

“Hindi ko rin alam, e, hindi ko rin alam," anang host. “Siguro, in-assume na rin ng mga tao.”

Nang tanungin kung nagkaroon ba ng offer sa kaniya na makasama sa bagong show ni Willie, paliwanag ni Mariel, “You know, I was able to talk to Jay Montelibano nung finals ng Talentadong Pinoy. He told me na merong show si Kuya. Pero dun na yun natapos. Hindi na naulit yung pag-uusap namin ulit."

Si Jay ang dating business unit head ng shows ni Willie pero umalis na ito sa poder ng TV host-singer at nagtatrabaho na sa Kapatid network.

Tuesday, May 19, 2015

Willie Revillame Featured on YES! Magazine

Abangan ngayong June ang Controversial Actor/Host of Wowowin Willie Revillame will be Yes! Magazine's featured artist this June.

Last month, Yes! was invited to the official inauguration of Wowowin's newest studio in Kalayaan Avenue, Quezon City.

He's back and he's ready to conquer TV again.#YESMagazine 's June 2015 issue has this year's biggest comeback story–straight from the man of the hour himself. Who is he? Abangan!

Posted by YES! Magazine on Monday, May 18, 2015

Monday, May 18, 2015

Gabby Lopez III of ABS-CBN bukas pa rin ang Pintoan kay Willie Revillame

Inamin ni ABS-CBN CEO Eugenio “Gabby” Lopez III na minsan nang lumapit sa kanya si Willie Revillame upang pag-usapan ang posibilidad na pagbabalik-Kapamilya ng TV host.

Kasunod ito ng pagtatapos sa ere ng variety show ni Willie na Willing Willie sa TV5 noong October 2013.

Ngunit hindi na nagdetalye pa ang big boss ng ABS-CBN kung bakit hindi nagbunga ang kanilang negosasyon.

Ganunpaman, nananatiling positibo umano ang relasyon sa pagitan ng TV host at ng ABS-CBN CEO.

Ito ay sa kabila ng kontrobersiya kung saan sinampahan ng ABS-CBN ng hiwalay na kasong breach of contract at copyright infringement si Willie nang lumipat ang TV host sa TV5 noong 2010.

Ngunit kalaunan ay binasura ng Court of Appeals ang copyright infringement case noong 2011 at ang breach of contract case noong 2013.

“I have a very good relationship with Willie, still. “Our world is too small to say never,” pahayag ni Gabby sa ulat ng Philippine Daily Inquirer (PDI) noong April 27.

Samantala, March 20 nang pormal na pumirma ng kontrata si Willie sa GMA Network kaugnay ng pagbili niya ng airtime para sa kanyang variety show na Wowowin.

Bago pa man magsimulang umere ang Wowowin, inamin ni Gabby sa parehong panayam ng PDI na hindi pa rin nawawala ang karisma ni Willie sa mga manonood.

Matatandaang nakilala nang husto si Willie sa programang Wowowee na umere sa ABS-CBN mula 2005 hanggang 2010.

Sabi pa ni Gabby: “Willie is still Willie. We expect that it will rate.”

Umere ang pilot episode ng Wowowin sa GMA noong Linggo, May 10.

Source: PEP.PH

Saturday, May 16, 2015

Wowowin Booking Reservation Status Updates

How to Become Studio Audience in Wowowin?

To those who keep on asking on How to be Part of Wowowin Studio Audience, please follow the below steps

Please keep in mind that Wowowin booking is first-come, first served basis so please be patience and wait for your turn.

Step 1: Email your Wowowin Reservation to this email address: wowowingma@yahoo.com.ph o tumawag sa (02) 710-3527 (2pm to 5pm, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes) and please advice the number of slots for reservation . Much better if 5-10 persons per group to accomodate your reservation.

P.S. - To avoid delays of your email request, send email one at a time.

Step 2: Wait for the reply of Mr. Martin Tamba. He will send an email reply to you kung kailan kayo pwede pumunta sa Wowowin Studio (date and time) to get your ticket pass for the confirmation of your booking.

P.S. - 10 slots per group only to give other chances. Thank you

PS.S. - Being a Studio Audience inWowowin is 100% FREE / No Charge at all.

Thursday, May 14, 2015

Ang Kwento sa likod ni Willie Revillame’s ‘Bigyan ng Jacket Yan’ phrase

54-year old TV host and recording artist Willie Revillame loves his audience, particularly older people frequenting the studio to watch his show live.

Through the years he established a good rapport with them not just through prizes but also by providing them warmth via a jacket, which led to him popularizing the phrase, “Bigyan na ng jacket yan!”

Willie, in a radio interview with DZBB’s Mike Enriquez and Ali Sotto, explained how the habit started. He related how an elderly woman, an international subscriber of his former network, asked him if he had a blanket or jacket she could use because she was cold. He saw a jacket and gave it to the elderly woman. An older man saw his gesture and also asked for one.

“I realized na shelter ito. Dinadamitan mo at binibihisan mo ang mga matatanda nagiging warm sila sa ‘yo. ‘Yung warmth ng tao, pag warm sila sa ‘yo, may pagmamahal, ‘yun na ‘yun. Kaya ko naisip ‘yung jacket na ‘yan. Kaya naging popular yan,” explained Willie.

He added that compared to younger people, more attention should be given to the elderly because of what they have gone through in life.

“Yung programang ‘Wowowee’ dati or ‘Wowowillie” kung anuman ‘yung programang ‘yun, hindi naman ako ang bida, sila. Sila ang nag-pe-perform, sila ang nag-kukuwento ng buhay nila. We listen to them. Kaya lang bibigyan mo ng premyo para ganahan sa buhay. Kaya huwag ninyong tinitipid ang mga programa ninyo,” he related.

Willie’s new show, kick off last Sunday, May 10, will feature the game “Bigyan ng Jacket Yan.”

“Meron kaming sampung jacket na bumababa mula sa langit. Ngayon may mga tanong. Sa bawat tamang tanong may swerteng pera ‘yan. Pag nasagot mo ‘yung jackpot may P200, 000 na pataas ng pataas. Hanggang P1 million ang prize,” he shared.

Known to popularize upbeat songs for the masses, Willie proudly announced his show’s opening song titled “Sumayaw, Gumalaw, Tumalon” is composed by good friend Lito Camo.

“Gusto ko simula ng show masaya na pati ambiance ng studio dapat masaya. Kaya nga may mini show pa ako bago magsimula ‘yung actual show,” he remarked.

So what else should fans expect this Sunday?

“This Sunday, taped muna kasi inayos namin, pinaganda namin,” said Willie. “Parang nanunuod ka ng Grammy Awards. I spent about P2 million. Mga seven days rehearsal, siyempre papakainin mo mga dancers, may mga budget ‘yan, bigay natin lahat. Makikita ninyo ‘yan. Ngayon sa sobrang ganda ng show, maikli ‘yung oras, ginawa naming two episodes.”

Willie is thankful for his staff who have stayed with him through thick and thin. They have been part of his drive to find ways to produce a new TV show.

“I’m so blessed. Pinagkaloob sa akin ng Panginoon Diyos ito. Sobra ito. Sa financial, sa properties na kung magkakaanak ako, magkakaiba, maayos ang buhay nila. Kaya binabalik ko sa mga tao,” expressed Willie as his show nears.

Wowowin ni Willie Revillame gagawin ng araw-araw ng GMA 7

Nagsimula na last May 10, 2015 ang bagong programa ni Willie Revillame. Tuwing Linggo nang alas tres y medya pa lang ngayon ang Wowowin, pero malaki ang posibilidad na maging araw-araw na pagkatapos lang nang ilang buwan. Naka-tape na ang ipinalabas na show last May 10, 2015, ayon sa staff ni Willie ay sadyang ginawa ‘yun ng produksiyon para maiwasan ang overtime, sayang daw naman ang mga ihinanda nilang production numbers kung mapuputol lang sa ere. Kilalang-kilala pa naman si Willie sa pagiging overtime king, kapag hawak na niya ang mikropono at nakikita niyang masayang-masaya ang studio audience ay parang ayaw na niyang mag-break, ‘yun ang iniwasan nilang mangyari kaya itineyp muna nila ang unang dalawang episodes ng Wowowin. Tapos na ang paghihintay ng mga tagasuporta ni Willie, heto na uli ang mahal nilang aktor-TV host na handa na namang mamahagi ng house and lot, sasakyan, cash prizes at ng makasaysayang jacket at cellphone ng programa. Maligayang pagbabalik, Willie Revillame, hiling ng kanyang mga tagahanga ang mas pinasaya pa at pinagandang show mula sa kanilang idolo. “’Yun naman talaga ang unang-unang concern namin, ang paligayahin ang ating mga kababayan, ang pansamantala silang makalimot sa problema habang pinanonood nila ang Wowowin. “Para sa kanila ito, sila ang gusto naming pasayahin. Bigyan ng jacket ‘yan!” masayang sabi pa ni Willie Revillame. Source: Cristy Fermin

Willie Revillame naka one-on-one si Mike Enriquez

Inaantabayanan na ng buong bansa ang pagbabalik telebisyon ng controversial TV host na si Willie Revillame ngayong Linggo, May 10. Excited na ang mga Kapuso natin para sa bonggang production numbers na mapapanood nila sa pilot episode ng Wowowin at sa limpak-limpak na premyong ipamimigay ng show para sa lucky studio audience. Pero bago ang great TV comeback ni Kuya Willie, bumisita ang Wowowin host sa morning program ng 24 Oras anchor na si Mike Enriquez sa DZBB ngayong umaga (May 8). Makikita sa larawang pinost sa Facebook na masayang nagkukuwentuhan ang dalawang matalik na magkaibigan. Source: GMA News