Friday, May 22, 2015

Thea Tolentino, tinulungan ni Willie Revillame na makamit ang pangarap na kotse

Tinupad ni Wowowin host Willie Revillame ang kanyang pangako kay The Half Sisters star Thea Tolentino na tutulungan niya ang aktres na makabili ng sariling kotse.

Matatandaang nag-guest si Thea sa Wowowin kamakailan at nang malaman ni Willie na wala pang kotse ang teen star, agad siyang nag-alok ng tulong pinansyal.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, nakahanda na raw ang tsekeng ibibigay ni Willie kay Thea. Ang perang galing sa Wowowin host ay katumbas ng kalahati ng down payment ng sasakyang bibilhin ng The Half Sisters star.

"Natuwa naman po ako, siyempre nag-offer siya," pahayag ni Thea.

Ayon kay Thea, hindi raw niya kakalimutan ang ibinilin sa kanya ni Willie. "Natandaan ko 'yung sinabi niya sa 'kin na dapat paghirapan mo. Tama naman siya, paghihirapan ko talaga. At kung bibili ako ng kotse, kailangan pagsikapan ko at sariling pera ko," pagtatapos niya.

5 comments

Good PM Po Kami po ay Aerobics (Senior citizen) ng Brgy. bagong tanyag taguig city ,
gusto po sana ng aming samahan ng mga Senior na manuod ng personal sa inyong Programa kami po 40 katao.
Sana mapansin nio po kame .paki tx nlang po kame kung
kame po ay mabigyan slot sa # 09214095553/ 09179039398 .
Maraming Salamat Po and More Power to your Show

good am po mr.martin . pwede po ba kami mag pareserve . ksi guxtong gusto po ng aking nanay at aking kapatid na makapunta po sa wowowin . lalo na po aking kapatid na isa pong orthopedic disability. pangarap nya po tlagang mayakap si kuya will at makita ng personal. sana po mapagbigyan nyo po kmi . at kung papalarin makapag laro po kmi ng aking nanay sa inyong show .. marami pong salamat #09480797545 From:bry649BasecoTondoManila

Good pm po mr martin gusto po sana namin magpareserve po 20 persons po from paco manila 09469263482

Good pm po mr martin gusto po sana namin magpareserve po 20 persons po from paco manila 09469263482

Magandang tanghali po si shirly agnes po ito mg pa reserve po kami 30 katao sana po ma pagbigyan nyo po kami matagal na po naming gusto makapunta po dyan taga tondo po kami brgy 151 capulong po.. Sana po mapagbigyan nyo po kami ...maraming salamat po...09435205839


EmoticonEmoticon