If you are also wondering why mainit kay Mocha Uson ang mga Anti-Duterte especially si Senator Trillanes na nagfile pa ng libel case against Asec Mocha Uson? Well let me give you an idea about it bakit nga ba si Mocha ang target nila?
Ito ang paliwanag ni Atty. Bruce Rivera
Taon-taon na lang, palagi tayong sumasakay sa paandar ng mga kalaban ng bayan. At kahit sinong matalino pa, nabibitag nila. Tapos ang ending, labo-labo na kasi sumakay kayo at front seat pa. There are basically three methods of rebuttal the anti-Duterte is doing that is very effective, majority of the DDS are biting the bait. Explain ko ha.
Alam niyo ang una. Ang tawag dun DEFLECTION. Ingay por ingay. Para pagtakpan ang kanilang kalokohan. Dahil may anomalya sa DAP, nilabas ang pork barrel. Dahil may Bautista hidden wealth, nilabas ang Kian death as EJK. Dahil umiinit ang ulo ng mga tao sa pagbasura sa impeachment ni Bautista, nilabas ang Duterte hidden wealth issue and the fake news thing. At dahil alam nilang mahilig tayong bumili ng away, palagi silang nakakahanap nang mas maingay na issue na pantapat sangsang ng baho nila. Pili lang sana tayo ng pinapatulan na birada nila. Kung inulit or rehashed issue, we are giving them more noise by explaining to them bakit walang EJK at bakit walang bank accounts si PRD. Alam nila yan. Ayaw lang tayong lubayan dahil ang inis natin ang nagbibigay sa kanila ng lakas. Kung tayo ang naiinis, sila ang mananalo kahit kokonti lang sila. The fact na sinasabi nilang madami sila and we always prove them wrong, tayo ang napuruhan when we prove we are the majority because we will now lose traction of the arguments. Imbes na based on issue, the soundness of our arguments will go down to "eh mas madami kami.". Nagmumukha tuloy tayong lynch mob or bully. Na-deflect sa atin ang pagiging bully nila.
Second move nila medyo hindi obvious pero palagi nilang ginagawa. I call it IGNORING THE ELEPHANT. Deadma, discredit, demean. Notice that they will always have the habit of downplaying our strongest arguments and engaging the discourse on our less stronger points and highlight it there. Dahil self-centered ako, I will use my situation as an example. Remember the ASEAN media accreditation where Status: Hot made history by being the first bloggers given a media accreditation. Araw-araw, kami ang pulutan nina Pinoy Ako Blog, Silent No More etc. The problem was that they made noise on credentials only to find out that we actually had credentials. So they attacked us on special treatment na pati picture inisyu. Wala pa din. Next day, baklang adik, baklang botomesa at da who na bakla na ang banat. Nilabas ba nilang issue dun ang fake news? Hindi. Because they know our style is not investigative so they would have lost it miserably. So they retreated. Then came the Mocha tirade by Trillanes. And I made a very sound rebuttal to the fake news allegation. Aminin ninyo, it was the soundest rebuke. Meron tayong kasalanan at meron din sila. Pero sino ang nagsimula. Saan tayo natuto? Di ba sa trad media na kasabwat nila. So Pinoy Ako Blog comes out with a post calling me KSP. Tabang mananabang, bigla na lang akong naging insignificant when I was made to be part of the trio of evil bloggers for the PCOO during the ASEAN.
Oo, tanggap ko na sa fake news issue, they singled out MOCHA USON BLOG, TP, Sass Rogando Sasot and Maharlika kasi mas madami silang followers. But also because all four have a handicap they can exploit. Mocha and TP are government employees so they can be easily threatened with an Ombudsman case. Sass and Maharlika are not based in the Philippinea kaya pwede nilang isumbat na wala ang dalawa dito to have an "on the ground" honest assessment of the country (kahit alam natin na that is not true).
These handicaps are part of the narrative for fake news allegations. Bakit nila ako iniiwasan sa issue na yan? Wala silang dibs sa akin na pwedeng isumbat. Not working for the government and based in the Philippines. So ano ang gagawin? Simple. Tawagin akong KSP at bakla, like always. It is not actually to hurt me. Kasi matagal na akong bakla at sa luwag kong ito, I never hurt. It is to muffle a strong point. Have you ever seen strong rebukes by Darwin Cañete Mark Lopez MJ Quiambao Reyes Rocky Gonzales and many more engaged in discourse by them? Wala. TP made a very good accounting article on the Andy Bautista hidden wealth. They discounted it by saying he is not a banker but witnesses who have capacity to perjure are given attention like experts. And if it is not on TV, it may not be true.
The third one is called PREEMPTIVE BESMIRCHING. Dahil alam nilang may marumi silang ginawa, pangungunahan ka nila at iiputan. Paano ka pa makakasigaw na mabaho sila eh una ka nang umalingasaw sa baho ng taeng pinahid nila sa damit mo. At may variation yan. Dumihan ang sarili. Paano? Alam mo na magnanakaw ka kaya umakting ka na galit na galit sa ibang magnanakaw kasi kung galit ka sa pagnanakaw, baka isipin ng tao na hindi ka nagnakaw. Alam mo na ugaling demonyo ka. Eh di maging banal ka sa tingin ng iba. Sa takot nila na mabuking ang yaman ni Leni at Andy, usisain ang tagong yaman daw ni PRD at ni Inday Sara Duterte-Carpio o di kaya tawaging smuggler si Mans Carpio. Kasi mabubuking na ang fake news network nila, unahan by charging Mocha first with the same allegation. Kasi paglabas ng fake news allegations ng katropa nila wala nang impact masyado si iba kasi naging defensive na ang dating dahil naunang nag-ingay si Kanin at kinasuhan si Margaux Uson na ang tanging kasalanan ay malutong magmura at walang kiyeme.
Ang gagaling talaga. Kasi naman, 30 plus years of experience. Pero, mga ate...fast learners kaming mga bloggers. Makakapal ang mukha, mahilig sa attention, willing mag-invest ng time at higit sa lahat, naniniwala sa pinaglalaban. Natalo na namin kayo sa huling halalan. Hwag kayong masyadong kampante na hindi na mangyayari sa inyo ulit yun. Kasi exactly one year ago, walang Minerva, di ako marunong gumawa ng meme, wala sa friends list ko ang mga ka-DDS at hindi ako nagpapabotox. Natutunan ko yan, in a year.
EmoticonEmoticon