Sunday, August 20, 2017

Mocha Uson Explain Why She Created Twitter Poll for the Next DSWD

On August 17, 2017 at around 8pm Philippine time, Asec. Mocha Uson created a Twitter Poll in the public asking who is their bet for the next DSWD Secretary after Judy Taguiwalo was denied by the CA.

After an hours of posting the twitter poll, around 3:39am August 18, 2018 Asec Mocha Uson posted updates on her Facebook page and it goes like this.

WAKE UP DDS, Eto po ang partial result ng poll na atin pong ginawa sa Twitter kung sino ang gusto ninyong maging DWSD Secretary. Meron pong mga DDS na nag message sa akin na burahin ang poll dahil daw nanalo si LENI. Eto lamang po ang aking sagot dito. Una sa lahat tayo ay nasa bansang demokrasya at lagi po yan pinauulit ulit ni Tatay D. Hindi man natin gusto ang resulta ngunit kung ito ang lumabas tanggapin natin at hindi ibig sabihin na ito ay ating sang ayunan.

Ang resulta na ito ay nagpapatunay lamang ng ang mga dilawan ay organisado. Noong unang mga oras ng paglabas ng Poll hindi po nangunguna si Leni. Ngunit makalipas ang ilang oras bigla-bigla itong tumaas at ni-retweet ng mga poser accounts. Hindi ko po sinasabi na ang entire poll ay binoto ng mga fake accounts ni Leni pero ito ay sabay sabay ni-retweet ng mga fake accounts at ito naman ay ni-replayan ng mga followers nito.

Ganito po sila ka-organize sa Twitter. Doon mo talaga malalaman na united ang mga dilawan upang labanan at idiscredit ang ating pamahalaan. Habang tayong ilang DDS ay patuloy na nag-aaway sa mga maliliit na bagay. Abangan po ang ating article sa Philippine Star sa Tuesday at dito natin ihahayag ang damdamin patungkol sa tuloy tuloy na away ng mga DDS dito sa Social Media maging mga kababayan natin sa ibang bansa. Nakakadismaya pero kailangang malaman na at magising na ang mga DDS patungkol dito. Dahil kung hindi tayo ay matatalo sa laban para sa tunay na pagbabago na ating hinahangad.

Dito sa FB mahirap gumawa ng troll accounts hindi nila kakayanin ang dami ng DDS. Sigurado kulelat yan si Leni. Now bakit ko po ginawa sa Twitter pinapakita ko lamang po na ang mga dilawan ay organisado. Coordinated ang galaw nila. I WANT TO MAKE THE DDS realize that unless we unite we will never win this battle. Ang awayan ng mga DDS sa kapwa DDS dito sa ating bansa at sa ibang bansa ay nakakabahala na. Soon we will lose the battle kung hindi tayo magigising. Dati we are united ngayon ay pataasan na ng ihi. And this poll is just to show that. Ipapaliwanag ko pa po ito sa ating article sa Phil Star sa Tuesday.

Source: Facebook


EmoticonEmoticon