Showing posts with label Wille Revillame. Show all posts
Showing posts with label Wille Revillame. Show all posts

Monday, May 25, 2015

Mariel Rodriguez, bagong co-host ni Willie Revillame sa Wowowin?

Inihayag naman ni Mariel na masaya para sa pagbabalik sa telebisyon ni Willie Revillame na mapapanood sa GMA-7 sa programa nitong Wowowin.

Masaya raw si Mariel na muling magbabalik-telebisyon si Willie.

Saad nito, “I’m very happy for Kuya, sa totoo lang, kasi gusto lang talaga magpasaya ng tao nun.

“Masaya ako para sa kanya.”

Kasama si Mariel sa mga dating television show ni Willie kaya may mga nag-akala na baka kasama uli siya sa Wowowin.

Hindi raw alam ni Mariel kung papaano nagsimula ang mga pag-aakala na magiging co-host muli siya ni Willie.

“Hindi ko rin alam, e, hindi ko rin alam," anang host. “Siguro, in-assume na rin ng mga tao.”

Nang tanungin kung nagkaroon ba ng offer sa kaniya na makasama sa bagong show ni Willie, paliwanag ni Mariel, “You know, I was able to talk to Jay Montelibano nung finals ng Talentadong Pinoy. He told me na merong show si Kuya. Pero dun na yun natapos. Hindi na naulit yung pag-uusap namin ulit."

Si Jay ang dating business unit head ng shows ni Willie pero umalis na ito sa poder ng TV host-singer at nagtatrabaho na sa Kapatid network.

Friday, May 22, 2015

Thea Tolentino, tinulungan ni Willie Revillame na makamit ang pangarap na kotse

Tinupad ni Wowowin host Willie Revillame ang kanyang pangako kay The Half Sisters star Thea Tolentino na tutulungan niya ang aktres na makabili ng sariling kotse.

Matatandaang nag-guest si Thea sa Wowowin kamakailan at nang malaman ni Willie na wala pang kotse ang teen star, agad siyang nag-alok ng tulong pinansyal.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, nakahanda na raw ang tsekeng ibibigay ni Willie kay Thea. Ang perang galing sa Wowowin host ay katumbas ng kalahati ng down payment ng sasakyang bibilhin ng The Half Sisters star.

"Natuwa naman po ako, siyempre nag-offer siya," pahayag ni Thea.

Ayon kay Thea, hindi raw niya kakalimutan ang ibinilin sa kanya ni Willie. "Natandaan ko 'yung sinabi niya sa 'kin na dapat paghirapan mo. Tama naman siya, paghihirapan ko talaga. At kung bibili ako ng kotse, kailangan pagsikapan ko at sariling pera ko," pagtatapos niya.

Tuesday, May 19, 2015

Willie Revillame Featured on YES! Magazine

Abangan ngayong June ang Controversial Actor/Host of Wowowin Willie Revillame will be Yes! Magazine's featured artist this June.

Last month, Yes! was invited to the official inauguration of Wowowin's newest studio in Kalayaan Avenue, Quezon City.

He's back and he's ready to conquer TV again.#YESMagazine 's June 2015 issue has this year's biggest comeback story–straight from the man of the hour himself. Who is he? Abangan!

Posted by YES! Magazine on Monday, May 18, 2015