Ayon sa isang source, nasaktan ang Liberal Party sa problemang kinasasangkutan ngayon ni Comelec Chairman Andres Bautista. Itinuturing kasing isang matatag na kasapi nito si Bautista. Minsan na ring nagsilbi diumano si Bautista bilang campaign manager ni Mar Roxas noong tumakbo ito bilang senador.
Noong araw na pumutok ang isyu ng nakaw na yaman ni Bautista, agad naapektuhan ang kampo ni Robredo. Naglunsad agad ng opensiba si Macalintal sa media upang pilit ilayo ang isyu ng nakaw na yaman sa integridad ng halalan at dayaan.
Kung nasaktan ang Liberal Party, ibig sabihin, malaki ang tiwala at pag-asa ng partido na makakatulong si Bautista upang makabalik ito sa pwesto at kapangyarihan. Ngayong lumalaki na ang posibilidad na matanggal si Bautista, mawawalan sila ng haligi sa Comelec. Dito sila nasaktan.
Kung matatag na haligi si Bautista ng Liberal Party, delikado ang ating pangulo at ang kanyang partido sa kamay ng Comelec na hawak ng Liberal Party. Kung nagawa nilang dayain si BBM noong 2016, pwede rin nilang dayain ang mga kapartido ng pangulo sa 2019 upang makuha nila ang mayoriya ng Kamara at gagamitin ito laban sa pangulo. Kaya kung matanggal si Bautista, masasaktan talaga sila.
Sa kabilang dako naman, sumali na rin ang Bureau of Internal Revenue sa pag-imbestiga kay Bautista. Apat na ahensya na ng gobyerno ang sabay-sabay na mag-imbestiga sa kanya. Kung mag-imbestiga rin ang Ombudsman ayon sa reklamo ni Atty. Oliver Lozano, pang-lima na ito.
Ayon kay Presidential legal counsel Salvador Panelo, magbibitiw si Bautista kung ma-impeached siya sa Mababang Kapulungan. Hindi raw ito sasailalim sa impeachment at negative public scrutiny na makakaapekto sa kanyang pamilya.
Ayon naman kay dating Negros Oriental Congressman Jacinto Paras, maghahain siya ng impeachment complaint ngayong linggo laban kay Bautista. Sa aking pagkakaalam, may dalawa pang grupo na maghahain din ng magkahiwalay na impeachment complaints.
“Kapag nakapag-file ng impeachment complaint at ito ay parang may basehan, baka doon pa lamang i-consider, para sa akin, doon pa lang i-consider na ni Chairman Andy Bautista [na bumitiw],” pahayag ni Congressman Sherwin Tugna, chairman ng Electoral Reforms Committee ng Kamara.
Source: Facebook
EmoticonEmoticon